Saturday, December 24, 2011

Just because its Christmas..




kung minsan talaga..masarap maging bata na lang..lalo na pag ganitong pasko..isa lang naman ang alam ng mga bata pag pasko. MASAYA. pero pag ikaw ay tumatanda na, un word na masaya, masyado ng nagiging complicated. kumbaga, andami mong kelangan bago mo masabing masaya ka. not to mention, obligado ka na rin mamigay ng regalo which means  gastos. Christmas is gastos. bow. haay naman. 


Pero ang nakakatuwa naman, kahit papaano, pag dumarating ang pasko, narerealize mo yung blessings na natanggap mo sa buong taon kahit na puro kamalasan ang tinamasa mo. napapaisip ka, somehow, naidaos padin ang Pasko. kumbaga, natututo kang maging thankful. Thankful na kumpleto kayong pamilya sa noche buena. Thankful na me handa kayo. Thankful na walang maysakit sa inyo. Yung mga intangible things, tuwing Pasko, naapreciate mo. Yun ang pagkakaiba ng pasko sa mga bata. Ako noon, ang iniisip ko lang kung magkano ang makukuha kong aginaldo. Kung sino pinakamalaking nagbigay sakin ng pera, siya ang pinakamabait para sa akin. hehe.


At dahil wala tayong thanksgiving dito, at dahil it's the season to be thankful..


I'm thankful..


..na kahit hindi ko nagamit ang benefits ko this year, eh walang nagkasakit samin
..na kahit gusto kong magresign, eh me trabaho pa din ako
..na kahit nagdidiet ako, i get to eat three times a day
..na kahit nakakaiyak ang sweldo ko, nakakagala parin ako! yey
..na kahit malungkot at tinatamaan ako ng single syndrome at times, masaya padin ako..(genuinely happy)..
..at kahit wala parin akong boyfriend, eh me mga super panalong friends ako na never akong pagpapalit..




yun oh!


Happy Holidays guys!

1 comment:

  1. Anonymous1:41 PM

    I have my single syndrome too at TIMES, thank God It doesn't kick in so often... Cheers! moe estrogen talk with androgen on the side...lets keep our fingers crossed to exit singlehood -liza

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...